Aklan News
Wanted person sa kasong attempted homicide, arestado ng Kalibo MPS


NAPASAKAMAY na mga otoridad ang isang lalaki na may kasong Attempted Homicide kaninang umaga, Hulyo 10 sa Poblacion, Kalibo.
Kinilala ang suspek na si alyas “AJ”, nasa wastong edad at residente ng C. Laserna Street, Poblacion, Kalibo.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte ngayong araw.
May itinakda namang piyansa na ₱18,000 ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Sa ngayon ay nakakulong na ito sa lock-up cell ng Kalibo MPS at nakatakdang iturn-over sa korte. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading