Connect with us

Aklan News

Wanted Person sa kasong Homicide, Boluntaryong Sumuko sa Balete MPS

Published

on

Kusang-loob na sumuko sa Balete MPS ang wanted person sa kasong Homicide dakong alas-8:20 kaninang umaga , Oktubre 20,2023.
Inaresto ang 36-anyos na akusado sa bisa ng warrant of arest sa ilalim ng Revised Penal Code Article 249 na nagtataglay na may criminal case number 16583.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Montalid Jr. Polines Patnubay, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Region Branch 9 , Kalibo, Aklan.
Mayroon namang P120,000 na inirekomendang piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Matatandaang nagawa ng suspek ang krimen noong Nobyembre 16, 2022 sa Boracay Island, Malay, Aklan.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Balete MPS ang akusado at nakatakdang i-turnover para sa karampatang disposisyon.