Connect with us

Aklan News

Wanted person sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga, arestado

Published

on

Wanted person sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga, arestado

NAARESTO ng mga otoridad sa bayan ng Kalibo ang lalaking wanted sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 nitong Lunes ng umaga.

Ang hindi na pinangalanang suspek ay isang 42-anyos na residente ng New Buswang, Kalibo

Nadakip ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 na may Criminal Case 17416 sa illegal possession of paraphernalias at Criminal Case 17417 sa paggamit ng iligal na droga na inisyu ni Hon. Faustino Valenzuela Roxas, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Six Judicial Region, Kalibo, Aklan.

Samantala nagtakda naman ang korte ng P6,000 na piyansa para sa Section 12 “Possession of Paraphernalia” at P40,000 naman sa paggamit ng iligal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang suspek at nakatakdang i-turn over sa korte.