Connect with us

Aklan News

WANTED SA ANTIPOLO CITY, NASAKOTE SA IBAJAY

Published

on

Ibajay Aklan – Arestado ng Ibajay PNP ang isang lalaki mga dakong 12:00 kaninang tanghali Sa Brgy. Regador, Ibajay dahil Sa kaso nito sa Antipolo City.

Nakilala ang akusado na si Rael Miralles y Magsael 49 anyos, residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa sec.261 of the Omnibus Election Code in relation to sec. 32 of RA 7166 and in relation to Comelec Resolution No.9561 na ipinalabas ng Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 95 Antipolo City noong Feb. 20, 2015.

P12,200 ang pyansang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon Kay Police Corporal Escalada ng Ibajay PNP na aminado naman ang akusado na meron itong kaso sa Antipolo City.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Ibajay PNP ang nasabing akusado.