Aklan News
Wanted sa kasong Acts of Lasciviousness, Arestado
Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaking wanted ala 1:50 nitong hapon sa So. Hagakhak, Brgy. Baybay, Makato.
Nakilala ang akusadong si Enrique Dogus y Palagod, 59 anyos , may asawa, tubong Leyte province at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Calangcang, Makato.
Naaresto si Dogus matapos makatanggap ng impormasyon ang Makato PNP sa paangunguna ni PLt. Jose Ituralde sa kinaroroonan nito.
Isinilbi kay Dogus ang warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness na inilabas ni Hon. Judge Bienvenido Barrios,Jr., Presiding Judge RTC6 Branch 3 na may petsang May 11, 2020.
P36,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, agad na dinala sa Makato MPS si Dogus para i-booking at para sa karampatang disposisyon.