Aklan News
WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO


Arestado bandang alas 11:30 kaninang tanghali sa Poblacion, Madalag ang isang lalaking wanted sa kasong Attempted Homicide.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Hon.Lolie Ureta-Villaruel, Presiding Judge ng MCTC Banga -Libacao, inaresto ng Madalag PNP ang akusadong si Ferry Nabor, 26 anyos, ng Medina, Madalag.
Ibinaba ang arrest warrant para sa Criminal Case No.3592-M ni Nabor nitong nakaraang Huwebes (February 24, 2022 at may piyansang PhP 72, 000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang isinailalim si Nabor sa kustodiya ng Madalag PNP para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading