Aklan News
WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO


Nasa kustodiya ngayon ng Makato PNP ang isang lalaking wanted sa kasong Attempted Homicide matapos maaresto sa Poblacion, Makato, pasado alas 4:00 kaninang hapon.
Nakilala ang akusadong si Bobby Masula, 28-anyos ng Castillo, Makato.
Inaresto ng Makato PNP si Masula sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Attempted Homicide (Criminal Case No.1376-M), na ibinaba ni Hon.Emmanuel T. Mationg, Presiding Judge, MCTC, 4th Judicial Region, noon pang August 12, 2012.
Pansamantala namang makalalaya si Masula kung makapagpipiyansa ng P12, 000.00
Continue Reading