Connect with us

Aklan News

Wanted sa kasong attempted homicide, arestado

Published

on

Arestado ng Numancia PNP alas 6:30 nitong gabi lamang sa Poblacion, Makato ang isang wanted person sa kasong Attempted Homicide.

Sa joint operation, isinilbi ng Numancia PNP at Aklan PPO Trackers team ang warrant of arrest ni Alvin De Juan, 29 anyos ng nasabing lugar.

Base sa report ng Numancia PNP, ngayong araw lng lumabas ang kanyang warrant of arrest na may Criminal Case No.29-22 na ibinaba ni Hon.Joan Marie B Bargas, Presiding Judge, MCTC, 6th Judicial Region Malinao-Lezo-Numancia, Aklan.
Pansamantala siyang ikonostodiya ng Numancia PNP para sa karampatang disposisyon.

Pansamantala rin siyang makakalaya kapag makapagpiyansa ng P36,000.00.

Continue Reading