Aklan News
Wanted sa kasong homicide, arestado
Arestado alas 6:00 kagabi sa Poblacion, Banga ang isang lalaking wanted sa kasong Homicide.
Nakilala ang akusadong si Ramil Alegria, sa legal na edad, at residente ng Pinonoy, Libacao.
Isinilbi ng Libacao PNP kay Alegria ang kanyang warrant of arrest sa kasong Homicide na may Criminal Case No.16249, na pirmado at ibinaba ni Hon. Ronald H. Exmundo, Acting Presiding Judge, RTC 6, 6th Judicial Region, Branch 7, Kalibo, Aklan nitong nakaraang June 9, 2022.
Pansamantala siyang ikonostodiya ng Libacao PNP, para sa karampatang disposisyon, habang P120,000.00 naman ang rekomendadong piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Continue Reading