Aklan News
Wanted sa kasong paglabag sa Forestry Code of the Phils., Arestado
Numancia – Inaresto ng kapulisan ang isang lalaki na wanted sa kasong paglabag sa Section 78 ng PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines kahapon ng umaga.
Inihain ng mga otoridad sa pamumuno ni PLt. Rennie Armenio, Acting Chief of Police ng Numancia PNP ang Order of Arrest laban sa akusadong si Michael Maylas Segovia, sa legal na edad at residente ng Brgy. Camanci Norte, Numancia, na ibinaba ni Hon. Cleo Marie C. Santillan, Presiding Judge ng bayan ng Buruanga at Malay na may petsang Hulyo 7, 2021.
Pansamantala namang nakalaya ang akusado matapos makapagpyansa ng P12,000.00 base sa itinakda ng korte.
Continue Reading