Connect with us

Aklan News

Wanted sa kasong paglabag sa R.A. 9165, arestado

Published

on

Kalibo – Arestado mag-aalas 5:00 kaninang hapon sa Andagao, Kalibo ang isang lalaking wanted sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakilala ang akusadong si Loui Jay Pastrana, 26 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa joint operation ng Kalibo PNP at 1st Aklan Provincial Mobile Company, inaresto si Pastrana sa bisa ng Warrant of Arrest na pirmado at ibinaba kahapon, July 7, 2022 ni Hon. Faustino Valenzuela Roxas Jr., Presiding Judge, RTC Branch 1, Kalibo, Aklan.

Sa report ng Kalibo PNP, nabatid na sinampahan ng kaso si Pastrana dahil sa paglabag umano nito sa Section 5 ng R.A 9165 o pagbibenta umano nito ng ilegal na droga; Section 11 dahil sa illegal possession of illegal drugs; Section 12 naman dahil sa illegal possesion of illegal drug paraphernalia; at Section 15 dahil naman sa paggamit umano nito ng ilegal na droga.

Magugunitang na buy-bust noong December 4, 2021 si Pastrana sa Andagao, kung saan nahulihan ito ng 2 sachet ng hinihinalang dahon ng marijuana kapalit ng P2,000.00 na buy bust money.

Narekober din umano noon sa kanya ang ilan pang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, at 2 illegal drug paraphernalia.

Subalit ayon kay PLt. Col. Frensy Andrade ng PDEU na siyang nanguna sa pag buy bust kay Pastrana, hindi umano tinanggap ng prosecutor ang pag-inquest nila araw na ng Lunes sa suspek dahil lumagpas umano sila sa 36 hours na reglamentary period, dahil pasok umano dapat sa oras ang araw ng Linggo.

Ayon pa kay Andrade, Linggo na ng gabi noon lumabas ang resulta ng drug test ni Pastrana.

Dahil dito, muli umano nilang isinampa ang kaso sa pamamagitan ng regular filing.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Kalibo PNP si Pastrana para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading