Aklan News
WANTED SA KASONG PANANAKIT, ARESTADO
Arestado ang isang lalaki na wanted sa serious physical injury kahapon sa Tibiawan, Makato.
Nakilala ang akusadong si Cristobal Jarce Traje, 26 anyos na construction worker, at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Traje ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number 1556-M na ibinaba ni Hon. Wilfredo P. Paciente Jr., Presiding Judge, 4th Municipal Circuit Trial Court, Makato-Tangalan, Aklan nitong nakaraang February 17, 2020.
Ayon sa Makato PNP, nangyari ang insidente noong September 20, 2019 kung saan may sinuntok na bisita sa isang birthday sa Tibiawan, Makato ang akusado.
Samantala, P18, 000 naman ang pyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Continue Reading