Connect with us

Aklan News

Wanted sa kasong rekless imprudence resulting to homicide, arestado sa Makato, Aklan

Published

on

Arestado ng mga tauhan ng Makato Municipal Police Station (MPS) ang isang wanted person sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ngayong araw, Mayo 22.
Ang nasabing warrant ay inilabas noong Marso 17, 2025 ni Hon. Wilfredo P. Paciente, Jr., Acting Presiding Judge ng Municipal Circuit Trial Court, Ika-anim na Rehiyong Panghudisyal, Malinao-Lezo-Numancia, Aklan.
May inirekomenda namang piyansa ang korte na ₱30,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.
“Ang pag-aresto sa akusado ay patunay ng aming patuloy na dedikasyon sa pagtugis sa mga wanted sa ating komunidad,” pahayag ni PCPT Villaruel, hepe ng Makato MPS.
Agad namang nakalaya ang subject matapos makapagpiyansa sa sinasabing kaso. | Ulat ni Jisrel Nervar