Connect with us

Aklan News

WCPD INVESTIGATOR NG BATAN PNP NA SI PMSg MIARAL, GINAWARAN NG MEDALYA NG KASANAYAN

Published

on

‎Binigyang pagkilala ng Police Regional Office-6 Ang Women and Children’s Protection Desk (WCPD) Investigator ng Batan Municipal Police Station sa Camp Teofilo Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City, nitong Lunes, Abril 7.
‎Ginawaran ng Medalya ng Kasanayan si PMSg Racel A. Miaral bilang pagkilala sa kahusayan at dedikasyon niya bilang isang WCPD Investigator.
‎Kabilang rito ay ang epektibo at mahusay niyang pangangasiwa sa mga kaso, gayundin ang mga inisyatiba, kampanya, at mga suporta para sa mga biktimang may kaugnayan sa kababaihan at kabataan.
‎Samantala, pinuri naman ng Batan Municipal Police Station ang naging pagkilala sa isa nilang kasamahan.
‎”Your exceptional achievements are truly inspiring, and this recognition is a well-deserved testament to your hard work, dedication, and innovation. We are honored to celebrate your success,” pahayag ng Batan MPS sa kanilang Facebook post.
‎Ang pagkilala ay kabahagi parin ng National Women’s Month Celebration. // Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading