Aklan News
“We also have reports na dala-dala niya itong firearms niya kung saan siya magpunta and there was an incident na nakapagpaputok ito” – PMaj. Tonico sa pagka-aresto sa dating CAFGU at empleyado ng LGU
ISINIWALAT ni PMaj. Edgar Tonico, Provincial Officer ng CIDG-Aklan na ikinasa nila ang search warrant laban sa dating CAFGU at empleyado ng munisipyo na si Ronny Ningal ng Brgy. Alaminos, Madalag matapos makatanggap ng report na nagdadala ito ng armas at may insidente pa umano ng pagpapaputok.
“Nagsimula yung application ng search warrant na ito from the information that this person is having in his possession an unlicensedfirearms. We also have reports na dala-dala niya itong firearms niya kung saan siya magpunta and there was an incident na, I think that was fiesta, na nakapagpaputok ito,” pahayag ni PMaj. Tonico sa Radyo Todo.
Ayon pa kay Tonico, ayaw sabihin ni Ningal kung paano siya nagkaroon ng armas.
Ngunit malaki ang posibilidad na nakuha niya ang mga ito noong nasa serbisyo pa siya bilang isang CAFGU.
“As to the… kung paano niya na-acquire itong gamit niya wala siyang dini-disclose sa amin na information. However, base on his previous job which is dati siyang in-service CAFGU so there are possibilities na during this time niya pa na-acquire ito,” ani Tonico.
Aminado din aniya si Ningal na wala siyang License To Own and Possess Firearms (LTOP) para sa kanyang armas.
Hinalughog ang loob ng bahay ni Ningal sa bisa ng search warrant, kung saan narekober ang ang isang M16 rifle at magazine na may lamang 29 na mga bala.
Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Madalag PNP si Ningal at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.