Aklan News
Wing van na may kargang gulay, nahulog sa bangin sa Feliciano, Balete


NAHULOG ang isang wing van sa bahagi ng Sitio Bangbang, Brgy. Feliciano, Balete nitong umaga ng Linggo, Mayo 25.
Sa impormasyon, mula ang naturang sasakyan sa probinsiya ng Benguet at magde-deliver sana ng mga gulay sa Iloilo.
Ayon sa pahinante ng wing van na si Leopoldo Abolencia, hindi umano na nakontrol ng drayber ang minamanehong sasakyan dahil sa madulas na kalsada sa lugar.
Nasa maayos namang kondisyon ang drayber at isang sakay nito.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Balete PNP kaugnay ng aksidente.| ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading