Aklan News
Wingvan na bumangga sa poste kahapon, sinalpok ng isa pang wingvan


SINALPOK ng isa pang wingvan ang naaksidenteng wingvan kahapon sa Feliciano, Balete bandang alas-12:00 nitong madaling-araw, Mayo 3.
Sa imbestigasyon ng Balete PNP, hindi agad napansin ng nasabing wing van ang hindi pa nakukuha sa lugar na kaparehong behikulo.
Dagdag pa umano rito ang madulas na kalsada dahilan ng aksidente.
Mula din ito sa bahagi ng Kalibo papunta sanang bayan ng Altavas.
Kung matandaan, kahapon, May 2 ay sumalpok sa poste ang isang wingvan dahil malakas ang ulan at madulas na kalsada.
Mabuti nalang at hindi nasugatan ang driver ng parehong wingvan.
Agad namang itong nirespondehan ng Balete PNP sa lugar.
Sa ngayon ay nasa lugar pa rin nang pinangyarihan ng aksidente ang parehong wing van. l Ulat ni Jisrel Nervar
File Photos: Katodo Reynald Bandiola
Continue Reading