Aklan News
Wingvan, nasalpok ang kasalubong na trailer truck sa Regador, Ibajay


Nasalpok ng isang wingvan ang kasasalubong nitong trailer truck sa Campo Berde, Regador Ibajay nitong hapon, Mayo 21.
Ang wingvan ay papuntang Kalibo at papunta naman sa Caticlan ang trailer truck na may kargang pvc pipes.
Ayon kay PLt. Recie Bulanon ng Ibajay PNP, hindi umano nagbigayan ng daan ang dalawa sa kurbadang bahagi ng kalsada.
Naialis na umano sa kalsada ang mga sangkot na behikulo at inilipat sa mas maluwag na lugar.
Sa ngayon ay kasalukuyang nasa Ibajay MPS ang mga driver at patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente. | Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading