Connect with us

Aklan News

WORLD CLASS: AKLAN PIÑA, NAKASUNGKIT NG INTERNATIONAL AWARD

Published

on

Photo Courtesy| Raquel's Piña Cloth Products FB Page

Pinatunayan ng Aklan Piña na kayang makipagsabayan ng gawang Aklanon sa buong mundo pagdating sa paggawa ng dekalidad na pinya cloth nang masungkit ang Global Eco Artisans Award sa California na nilahokan ng halos 500 iba’t-ibang bansa sa buong mundo.

Ang Global Eco Artisan Awards 2021 ay isang global competition na organisado ng AGAATI na may layong ipakilala sa buong mundo ang mga nag gagandahan at gawa sa kamay na tela at luxe accessories.

Base sa facebook post ni Raquel Eliserio na siyang pambato ng Pilipinas, ilang buwan din ang naging preparasyon nila para sa patimpalak.

May katagalan ang proseso ng paggawa ng Pinya Cloth, una ay kukunin ang piña fiber mula sa dahon ng pinya sa pamamagitan ng pagkuskus dito. Kapag nakuha na ang fiber ay lalabhan muna ito para pumuti at ibibilad sa araw. Kapag natuyo na ito ay susuklayin muna at ang bawat himaymay nito ay pagdudugtong dugtungin saka mano-manong hahabiin at didisenyohan sa pamamagitan ng pagbuburda na isinasagawa ng mano-mano o ng kagamitang machine

Ang probinsya ng Aklan ay kilala sa paggawa ng mainam na pinya cloth na kanilang sinu-supply sa iba’t-ibang lugar sa loob at labas ng bansa.

Sa katunayan ang Aklan ay isa sa mga pinakamalaking producer at sentro ng industriya ng piña fiber and cloth ng bansa.

Continue Reading