Connect with us

Aklan News

WVRAA meet 2023, opisyal nang nagbukas

Published

on

Opisyal nang nagsimula ang pinakamalaking patimpalak sa larangan ng palakasan sa rehiyon, ang Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet ngayong araw, Abril 26, 2023.

Ginanap ito sa Aklan Sports Complex sa barangay Calangcang, Makato.

Aabot sa 4,859 na atleta at delegado ang kalahok ngayong taon.

Handang-handa na rin ang mga atleta na makipagtagisan ng kanilang galing at lakas sa 24 na ibat-ibang sporting events para sa inaasam na gintong medalya.

Bago ang opening program, isang grand parade muna ang isinagawa ng mga delegasyon mula sa mga lalawigan ng Antique, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Capiz at ang host province na Aklan.

Full support din ang mga government officials mula sa anim na mga lalawigan sa Western Visayas at ang mga opisyal ng Department of Education Region 6 kung saan sumama pa ang iba sa parada ng kanilang delegasyon.

Pinangunahan naman ni DepEd Regional Director Dr. Ramir B. Uytico, ang pormal na pagbubukas ng WVRAA Meet.

Sinundan ito ng magarbong fireworks display at unity dance ng mga atleta.

Ang WVRAA Meet ngayong taon ay magtatagal hanggang Abril 30, 2023.