Connect with us

Aklan News

WVRAA Meet tuloy sana kung walang nCoV sa bansa– DepEd Aklan

Published

on

Kalibo, Aklan – Nilinaw ni DepEd Sports Coordinator Rebecca Ibarreta na maliban sa coronavirus ay wala ng ibang dahilan kung bakit ipinagpaliban muna ang 2020 Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) meet.

Kasunod ito ng isyung kinulang ng panahon sa paghahanda ang probinsya para mag-host sa WVRAA.

Sinabi ni Ibaretta na hindi lang WVRAA ang nasuspende dahil sa nCoV kundi pati ang mga aktibidad sa ibang lugar sa bansa gaya ng CALABARZON at nariyan rin ang posibilidad na ma postpone pati mga national contest.

Indefinitely postponed umano ang WVRAA dahil walang makapagbibigay ng eksaktong araw kung kailan sigurado nang ligtas ang lahat sa pagkalat ng sakit.

Pinabulaanan rin ni Ibaretta ang isyung nagkokolekta sila ng pera mula sa mga guro para sa beddings ng mga atleta.

May kaugnayan rito, siniguro ni Provincial Engr. Edelzon Magalit na ginagawa nila ang lahat para matapos ang mga pasilidad na gagamitin sa mga sports events at kalsada sa basinidad ng Aklan Sports Complex bago ang Pebrero 15.

Una nang itinakda ang schedule ng WVRAA meet sa Pebrero 15-22 ngunit nagdesisyon si Aklan governor Florencio Miraflores, Aklan Schools Division Superintendent Miguel Mac Aposin katuwang ang Aklan sports committee na ipagpaliban muna ito.