Connect with us

Antique News

6 na Philippine Hanging Parrots, nasagip sa Antique

Published

on

Larawan mula sa FB post ni Elizalde Pedrosa Garzon

Nakumpiska kahapon sa tulong ng Philippine Initiative for Environmental Conservation (Philincon) ang anim na Philippine Hanging Parrots (Loriculus philippinensis) mula sa ilang indibidwal na lulan ng isang pribadong sasakyan sa lalawigan ng Antique.

Ayon sa RA 9147 o ang Philippine Wildlife Act, it is unlawful to collect and possess wildlife without permits and licences from authority. Ang sinumang lalabag dito ay may kahaharaping karampatang parusa.

Katuwang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Philincon sa pagbabantay at pangangalaga ng kalikasan, partikular na ang Northwest Panay Peninsula Natural Park.

Nakasaad rin sa FB page ng Philincon na ang pangunahing layunin nito ay ang: protection, preservation, and rehabilitation of the Philippines’ few remaining forests and endangered endemic plants and wildlife, particularly those on the island of Panay, in the Western Visayas region.

Kahapon ay agad ding pinakawalan ng Philincon ang anim na Philippine Hanging Parrots, isang pares sa 3 barangay.

Kung may impormasyon hinggil sa ilegal na panghuhuli ng wildlife, ipagbigay alam agad ito sa pinakamalapit na DENR office sa inyong lugar. Maaari ring makipag-ugnayan sa Philincon sa cellphone number 09123236859.