Antique News
99.32% NG MGA BARANGGAY SA PROBINSYA NG ANTIQUE ANG DINEKLARANG DRUG FREE NG PDEA6


ANTIQUE – Sumasailalim na ngayon sa validation ang natitirang 4 na baranggay sa probinsya ng Antique na hindi pa nadeklarang drug-cleared ng mga otoridad.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA6) Region 6 Information Officer Shey Tanaleon, mula sa 590 na mga baranggay ng Antique, 586 na dito ang drug-cleared o katumbas ng 99.32% na accomplishment sa drug clearing program ng probinsya.
Pinahayag ni Tanaleon na hindi biro ang pinagdaanan na proseso ng mga baranggay para makamit ang nasabing estado kaya’t nananawagan ito sa mga opisyales at komunidad ng mga natitirang baranggay na hindi pa nakapasok na agad na ireport sa mga otoridad kung may mga namomonitor na indibidwal o aktibidad may kaugnayan sa iligal na droga.
Ang Barangay Drug Clearing Program ay isang priority project ng kasalukuyang administrasyon kung saan pinapangunahan ito ng PDEA at Dangerous Drugs Board.
Samantala, patuloy rin ang panawagan sa mga baranggay na na-cleared na, na huwag maging kampante at manatiling mapagbantay.