Connect with us

Antique News

Antique Province, hindi na ipapatupad ang RT-PCR test sa mga fully vaccinated na byahero

Published

on

Antique Province, hindi na ipapatupad ang RT-PCR test sa mga fully vaccinated na byahero
Photo: Province of Antique/FB

Hindi na kailangan ang RT-PCR test sa mga fully vaccinated individuals na papasok sa probinsya ng Antique.

Kasunod ito sa desisyon ng Antique Government na ipatutupad ang direktiba ng National Inter Agency Task Force (NIATF) na papayagan na ang paggamit ng vaccination cards kapalit ng RT-PCR test.

Nakasaad sa ilalim ng IATF Resolution No. 124-B na kailangan lamang mag-presenta ang mga byahero na naka-kumpleto na ng bakuna ng vaccination card para sa intrazonal movement o interzonal travel.

Inihayag ito ni Governor Rhodora Cadiao kahapon, Huwebes, Hulyo 8, sa isang press conference.

“Malipayun gid ako sa diya nga desisyon. Sa adlaw adlaw nga makabati ako kang reklamo kang atun mga LSI nga sanda nabudlayan mag-uli bangud kang mahal nga RTPCR test, naga hanggab ako nga daad ma relax ron ang mga patakaran.”

“Sa pag-abot kang diya nga direktiba, nasabat ron ang buhay naton nga gina handom,” saad ng gobernador.

Continue Reading