Antique News
Antique province isasailalim sa GCQ, travel pass at border restrictions sa Iloilo-Antique tatanggalin na
Isasailalim ang probinsya ng Antique sa General Community Quarantine (GCQ) simula Hulyo 1 hanggang Hulyo 31.
Narito ang mga guidelines/restrictions sa GCQ status sa probinsya:
1. Kailangang sundin ang public health standard.
2. Lilimitahan ang galaw ng mga residente. Bawal lumabas ang mga nasa edad 18 pababa at 65 pataas maliban na lamang kung bibili ng essential goods/services.
3. Ipinagbabawal ang operasyon ng Entertainment venues, cockfighting, lottery at iba pang gaming establishments.
4. Mahigpit ring ipinagbabawal ang mga pagtitipon sa labas ng bahay, samantala papayagan naman ang religious gatherings na lilimitahan hanggang 30% ng venue capacity.
5. Papayagan ang pagbukas ng mga accommodation na may DOT accreditation.
6. Papayagan rin ang mga construction projects (subject for compliance and guidelines issued by the DPWH).
7. Magsisimula ang Curfew hours ng 10 pm hanggang 4 am.
8. Tatanggalin na ang Liquor ban pero ipinagbabawal pa rin ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar at curfew hours.
9. Ang mga Travellers/LSI na hindi taga Region VI ay kailangang mag-sumite ng negative RT-PCR, Notice of Coordination mula sa LGU of destination at approved S-Pass.
10. Tatanggalin na ang travel pass at border restrictions sa Iloilo-Antique. Ang papayagan lang na maka-biyahe ay mga essential travellers ayon sa IATF.