Antique News
INA PATAY, AMA SUGATAN MATAPOS MARTILYUHIN NG 16-ANYOS NILANG ANAK


Patay ang isang nanay habang sugatan naman ang tatay matapos martilyuhin ng 16-anyos nilang anak na lalaki sa Anini-y, Antique.
Ayon kay Police Corporal Eleazar Amogis, imbestigador ng Anini-y Police Station, natagpuan ng lolo ng 16-anyos ang mag-asawa na duguan nitong Sabado ng gabi.
Salaysay pa ng lolo ng menor-de-edad, pine-pressure umano ng nanay ang kanyang anak na sumagot ng modules.
Aniya, maaaring ito ang dahilan kung bakit nagawang martilyuhin ng 16-anyos ang kanyang sariling mga magulang.
“Base sa istorya sang lolo, ang bata na, dira lang na sa iya balay nga daw ginabukot bala. Tapos daw gina-depress sa modular learning. Amo na ang istorya sang lolo niya, daw gina-pressure sang iya iloy nga magtuon,” pahayag ni Amogis.
Nagtangka pang tumakas ang 16-anyos dala ang P14,000 na pera ng kanyang mga magulang.
Naaresto naman ito sa border control point Linggo ng umaga, Disyembre 5.
Kasalukuyang na sa kostudiya ng DSWD ang 16-anyos na estudyante.
(With reports from Aksyon Radyo Iloilo)