Connect with us

Antique News

One Western Visayas epektibo pa rin; provincial borders ng Antique, mananatiling bukas para sa mga katabing probinsiya

Published

on

Image: Panay Island

Mananatiling bukas ang border ng Antique sa mga katabing probinsya sa Western Visayas batay sa desisyon ng Regional Inter-Agency Task Force.

Kasunod ito sa mungkahi ni Antique Gov. Rhodora Cadiao na planong magpatupad sana ng border restrictions simula, Abril 5.

Samantala, magpapatupad naman ng courtesy border control sa bawat munisipalidad sa probinsya ng Antique para masigurong sinusunod ang health protocols.

Ipinagbabawal ang inbound air at sea travels simula Abril 4 hanggang Abril 10.

Papayagan naman ang mga outbound flights o sweeper flights.

Nanawagan din ang gobernador na iwasan muna ang leisure travel.

Inaasahang maglalabas ng Executive Order si Gov. Cadiao kaugnay dito.

Continue Reading