Connect with us

Antique News

Pulis na nag-ML, nagalit at nagpaputok ng baril matapos hindi maka-attack dahil sa mahinang internet connection

Published

on

HIMAS REHAS ang isang pulis sa Pandan Municipal Police station sa Antique matapos magpaputok ng baril dahil hindi umano siya makapaglaro ng maayos ng “Mobile Legends” dahil mahina ang internet connection.

Kinilala ang pulis bilang kay PSSgt. Jhune Alvarez.

Batay sa imbestigasyon ng Pandan PNP nagalit si Alvarez dahil mahina ang internet connection sa kanilang bahay at hindi umano ito makapaglaro ng ML, taliwas sa kaniyang inihayag na nanonood ito ng online sabong.

Inayos daw ni Alvarez ang connection pero wala pa ring pagbabago kaya’t nagtalo umano sila ng kaniyang ka live-in partner na kalauna’y humingi na ito ng tulong sa kapulisan ng Pandan.

Pagdating ng mga kasamahang pulis, nanutok umano siya at nagpaputok ng baril sa lupa.

Masuwerte namang walang natamaan dahil sa insidente.

Samantala, ni-relieve na sa posisyon si Alvarez at nasa ilalim na ng Antique Provincial Personnel Holding and Accounting Unit (PPHAU).

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Provincial Internal Affairs Service (PIAS) kaugnay sa kasong administratibo na isasampa laban kay Alvarez.

Continue Reading