Connect with us

Business

46% ng mga Pinoy ang naniniwala na uunlad ang ekonomiya ng bansa

Published

on

PH Economy

Halos kalahati o 46% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang ekonomiya ng Pilipinas ay uunlad sa susunod na 12 buwan, batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Nahigitan ng mga economic optimist ang 28% na nagsasabi na ang ekonomiya ay mananatili lamang habang 6% ang naniniwalang lalong lalala ang ekonomiya sa susunod na taon.

Isinagawa ang SWS survey noong Abril 19 hanggang 27. Batay dito, ang resulting net economic optimism score na kinuha sa pamamagitan ng pag-compute ng percentage ng economic optimists minus economic pessimists ay +40, kung saan ito’y kinokonsiderang “excellent” ng poll body (+40 and up).

Ipinakita rin ng resulta na ang latest net economic optimism score ay apat na puntos na mas mababa kumpara noong Disyembre 2021 na +44 (excellent).

Sinabi ng SWS na ang net economic optimism ay iba sa net personal optimism, na tumutukoy sa mga “expectations in personal quality of life.”

Samantala, ayon sa latest survey na kasama ang unang quarter ng 2022, bumaba ang net economic optimism sa lahat ng area maliban sa Visayas.

Batay sa SWS na ang may pinakamataas na net economic optimism ay nasa Balance Luzon (o Luzon outside Metro Manila) (+46), kasunod nito ang Metro Manila (+43), Mindanao (+43) at Visayas (+18).

(PhilStar)

Continue Reading