Connect with us

Business

8 KUMPANYANG PINOY, PASOK SA FORBES ‘BEST OVER A BILLION’ 2019

Published

on

Walong kumpanyang Pinoy ang pasok sa listahan ng Forbes Asia’s “Best Over A Billion” na kinabibilangan ng 200 kumpanya sa buong Asia-Pacific Region na kumikita ng hindi bababa sa 1 billion dollars taun-taon.

Kinabibilangan ito ng mga kumpanyang SM Investment Corp. na may kabuuang market revenue share na $22.796 billion.

Sinundan ito ng San Miguel Food and Beverage na may market value $11.861 billion habang ikatlo ang Ayala Corp. na mayroong market value share na $11.171 billion.

Kasama rin sa listahan ang mga kumpanyang JG Summit Holdings, Cosco Capital, GT Capital Holdings, Jollibee Foods Corporation at Megaworld Corporation.

Ang 200 kumpanya na nakapasok sa Forbes ‘Best Over A Billion ay isinala mula sa 3,200 na mga listed companies sa buong Asia-Pacific region.

Source: www.forbes.com/bob