Business
Aabot sa mahigit P6.00 ang itataas ng presyo ng diesel, habang higit P2 naman sa gasolina
Inaasahang muling magkakaroon ng malaking pag-taas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, simula bukas, Hunyo 7, 2022.
Batay sa isang oil industry source, sinabi nito sa GMA News Online na maaaring tumaas ng P6.30 hanggang P6.60 ang presyo ng diesel kada litro.
Habang tataas ng P2.50 hanggang P2.80 ang presyo ng gasolina kada litro.
Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na mayroong, “three prevailing events on supply pressure this week which continue to push price increase.”
Ang mga sumusunod ang mga dahilan kung bakit muling tataas ang presyo ng mga produtong petrolyo ngayong linggo:
– Start of increasing demand for northern hemisphere countries due to summer peak period from June to September
– Russian oil ban by European Union
– Easing of lockdown in China which is projected to increase the oil demand.
Kadalasang pinapahayg ng mga oil companies ang price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.
Noong Mayo 31, pinatupad ng mga fuel firms ang pag-taas sa presyo ng diesel na tumaas ng P1.20 kada litro, habang nagkaroon naman ng rollback para sa halaga ng gasolina na bumaba hanggang P1.70 kada litro.
Dahil dito, ang kabuuang year-to-date adjustments ay mayroong net increase ng P23.85 kada litro para sa gasolina at P30.30 kada litro para sa diesel.