Business
ABS-CBN BINIGYAN NG 5 ARAW PARA MAGKOMENTO SA PETISYON NG SOLGEN – SC
Sa ginanap na briefing ngayong hapon sa Supreme Court (SC) na pinangunahan ni SC Spokesperson Atty. Brian Hosaka, binigyan ng Korte Suprema ng limang araw ang ABS-CBN para magbigay ng kanilang komento.
Ito ay may kaugnayan sa isinampang “very-urgent motion to issue gag-order” ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida, kaninang umaga lamang.
Ang hiling na gag-order, ay nagbabawal sa mga partido ng ABS-CBN na maglabas ng ano mang pahayag kaugnay sa merito ng petisyon.
Nauna dito, ay nagsampa si SolGen Jose Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema, na humihiling na kanselahin o ipawalang-bisa ang franchise ng ABS-CBN dahil sa iba’t ibang paglabag.
Ayon kay Atty. Brian Hosaka, ang binigay na limang araw sa ABS-CBN na magkomento ay bahagi ng “due process,” para mapakinggan ang kanilang panig bago maglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa naturang usapin.
SOURCE/VIA: radyopilipinas