Connect with us

Business

Asahan ang pang siyam na pag-taas sa presyo ng petrolyo simula bukas, March 1, 2022

Published

on

Presyo ng langis

Simula Marso 1 hanggang 7, maaaring tumaas ang presyo ng diesel mula P0.80 hanggang P0.90 kada litro, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas mula P0.90 hanggang P1.00 kada litro. Ito ay ayon sa fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines.

Kadalasang pinapahayag ng mga oil companies ang price adjustments kada Lunes at ipapatupad kinabukasan.

Noong nakaraang Linggo Pebrero 22, pinatupad ng mga fuel firms ang oil price hike, kung saan tumaas ng P0.80 kada litro ang gasolina at P0.65 naman ang kada litro ng diesel.

Dahil dito ang year-to-date adjustments ay may kabuuang net increase na ng P8.75 kada litro para sa gasolina at P10.85 naman kada litro sa presyo ng diesel.

Ayon kay Director Rino Abad ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, na monitor ng ahensiya ngayong Linggo na ang presyo ng premium na gasolina ay umaabot na sa P70 kada litro, habang ang common price ng diesel ay nasa P68 kada litro.

(GMA Network)