Connect with us

Business

Bagong panuntunan ng BIR para sa Rehistrasyon ng Negosyo Ipinatupad

Published

on

Revenue Regulations No. 15-2024 (RR No. 15-2024)

Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Revenue Regulations No. 15-2024 (RR No. 15-2024) para sa bagong alituntunin ukol sa rehistrasyon ng parehong pisikal at online na negosyo. Layunin nito na maging patas ang patakaran at pagbubuwis sa lahat ng sektor, lalo na’t patuloy na lumalago ang e-commerce at digital platforms.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., mahalaga ang mga bagong regulasyon upang tiyakin na hindi nadedehado ang mga pisikal na tindahan sa pagbubuwis at mga patakaran kumpara sa online businesses. “It is unfair for the retail industry if online businesses are not subject to the same rules as physical stores,” pahayag ni Lumagui.

Sa ilalim ng RR No. 15-2024, kinakailangang sumunod ang lahat ng negosyo, anuman ang kanilang operasyon, sa parehong mga rekisitos ng tax registration. Ang hindi pagtalima ay maaaring magresulta sa suspensyon ng negosyo, kung saan ang mga online na negosyo ay maaaring makatanggap ng takedown orders, katulad ng closure orders para sa pisikal na tindahan.

Kasama rin sa regulasyon ang mga lessors, sub-lessors, at operators ng digital platforms gaya ng Lazada, Shopee, at TikTok. Sila ay may responsibilidad na tiyaking nakarehistro nang maayos sa BIR ang kanilang mga tenants at online sellers. Ang hindi pag-enforce ng mga rekisitos na ito ay maaaring maituring bilang tax violations na punishable by law.

Plano ng BIR ang mahigpit na pagsubaybay sa ang mga pangunahing digital platforms upang matiyak na sumusunod ang mga online sellers at content creators sa itinakdang regulasyon. Bahagi ito ng mas malawakang inisyatibo ng BIR laban sa tax evasion at para siguraduhing patas ang kontribusyon ng lahat ng negosyo sa pambansang kita.

Ang programa ng BIR na “Run After Tax Evaders” ay magpapatuloy upang puntiryahin ang mga hindi sumusunod na entities, upang paigtingin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at regulasyon ng buwis.