Connect with us

Business

BAN SA PAGGAMIT NG MGA SINGLE-USE PLASTIC PRODUCTS UMUSAD NA SA SENADO

Published

on

Photo| Samuel Zeller

Umuusad na sa senado ang panukala ni Senator Francis Pangilinan na tuluyang ipagbabawal ang paggamit ng “single-use plastics”.

Sa kanyang Senate Bill No. 40, sinabi ni Pangilinan na napapanahon ang pagsasabatas sa Single-Use Plastics Regulation and Management Act of 2019.

Layunin di umano nito na pangalagaan ang kapaligiran laban sa mga plastic products gaya ng cellophane products na ginagamit bilang grocery bags, food packaging, films at bags, water bottles, straws, stirrers, containers, styros, cups, sachets at plastic cutlery na nagiging sanhi ng polusyon.

“These included items such as grocery bags, food packaging, films and bags, manufacturing water bottles, straws, stirrers, containers, Styrofoam/styros, cups, sachets, and plastic cutlery,” saad ni Pangilinan.

Kapag ito ay naging ganap na batas, ang mga kumpanya at samahan na susunod sa batas ay bibigyan ng incentives.

Ang lalabag naman dito ay papatawan ng multa o posibleng pagkansela ng mga business permits.

Kaugnay nito, lumalabas umano sa isinagawang pag-aaral ng United Nations Environment Programme noong 2015 na may may titulong “Plastic Waste Inputs From Land Into Ocean” na 81% ng 6,237,653 kilo of plastic waste kada araw ay mismanaged.

Naniniwala ang mambabatas na makakatulong ang batas na ito sa malaking problema sa waste management ng bansa.

Continue Reading