Connect with us

Business

Bentahan ng deodorant, bumaba dahil sa COVID-19

Published

on

Deodorant Sales
larawan mula sa www.health.howstuffworks.com

Bumaba ang bentahan ng deodorant bunsod umano ng panananatili ng mga tao sa  kani-kanilang mga bahay ngayong quarantine period.

Nang dahil sa social distancing na ipinapatupad sa panahon ng pandemic, limitado na ang paglabas ng mga tao upang pumasok sa trabaho o makipag-socialize.  Nagreresulta ito sa pagbaba ng bilang ng pagbili at paggamit ng mga tao ng deodorant.

Ayon sa kumpanyang Unilever na gumagawa ng mga produktong Dove soap at Axe deodorant, bumaba umano ang demand sa mga personal care products dahil sa lockdown ngunit hindi sila nababahala dahil ang bentahan naman ng ice cream ay tumaas.

Pag-aari din ng Unilever ang mga ice cream brand na tulad ng Breyer’s, Ben & Jerry’s at Magnum at dahil sa karamihan ng mga tao ay nananatili sa bahay, tumaas ang bentahan ng kanilang mga food products.

Consumers have eaten more soups, used more meal kits and accompanied their meals with mayonnaise and ice cream as dessert,” sinabi ni Unilever CEO Alan Jope sa mga analysts sa isang interview.

Dagdag pa niya, ang pagkonsumo ng ice cream ng mga tao ay tumaas ng 15 porsyento sa unang anim na buwan ng taon, at lalo itong tumaas sa 26 porsyento noong Abril at Hunyo.

The jump in ice cream sales at home was “significantly offsetting” a loss in sales in public places,” ayon pa sa Unilever.

Continue Reading