Connect with us

Aklan News

BOOKSALE KALIBO, NANGANGANIB NA MAGSARA DAHIL SA MABABANG SALES NGAYONG PANDEMYA

Published

on

Photo| Phillip Yerro Kimpo

May malungkot na balita para sa mga book lover sa Aklan.

Nanganganib ngayon na magsara ang nag-iisang Booksale branch sa Aklan na bilihan ng mga abot-kayang libro sa Kalibo.

Sa Facebook post ni Councilor Phillip Kimpo na isang “proud” tambay ng Booksale sa loob ng 14 years, hinikayat nito ang mga book lovers na bumili ng mga lathala kahit mga tig 5, 10, 20, 40 pesos lang.

“You might have already read this in other concerned people’s posts: the only Booksale branch in the whole of Aklan is in DANGER OF CLOSING, due to low sales during this time of pandemic,” bahagi ng kanyang post.

“’Closure is sure’ — this was the first news we got. But when I visited their branch a few days ago, pinag-iisipan pa daw ng headquarters nila kung ipagpapatuloy ang Kalibo branch o hindi. Depende siguro sa sales nila this holiday season?”

Aniya pa, sa Booksale, “there’s something for everyone — estudyanteng nagreresearch, casual reader, super bookworm, parents na naghahanap ng pang-regalo’t pasalubong, atbp.”

Binigyang diin din nito ang importanteng papel ng Booksale sa pagpapalaganap ng literasiya at kultura ng pagbabasa sa mga bayan na gaya ng Kalibo.

“Oo, isa pa ring negosyo ang Booksale. Pero bilang wala itong katulad sa Aklan, at mahirap itong mapalitan, isang malaking kawalan kapag magsara ito.”

“Kung mawawala ang Booksale Kalibo, sigurado akong maraming, marami ang malulungkot. Heartbroken, even. Lalo ang mga taong Booksale lang ang takbuhan para maging mas masaya, mas makabuluhan, mas malawak, mas malalim, at mas makulay ang buhay,” lahad pa ni Kimpo.