Business
BPI ATM at iba pang bank transactions, suspendido sa Sabado
Magsasagawa ng ‘major system upgrade’ ang Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Oktubre 19, 2019 dahilan para maging suspendido ang kanilang ATM transactions ng 24 oras.
“During this time, our online banking, mobile app, BizLink and ELink Platforms, ATM, CAMs, and Debit Card Services will be temporarily unavailable.” anunsyo ng BPI sa kanilang opisyal na Facebook page.
Kaugnay nito ay inaabisuhan ng banko ang mga kliyente na planuhin ang kanilang weekend transactions bago ang scheduled upgrade.
Mag-uumpisa ang nasabing upgrade ng 12:01AM at magtatapos ng11:59 PM. Layon nitong mabigay ng karagdagang advanced services at capabilities para sa mga kliyente nito.
Dagdag pa rito, nagpahayag ang BPI na ang lahat ng kanilang mga branches ay sarado mula Oktubre 19 hanggang 20.
Gayunman, ang mga credit card at prepaid card services ay mananatiling accessible.