Connect with us

Business

BPI, NAG-AALOK NG TULONG PARA SA MGA NAG-AALAGA NG BABOY NA NAAPEKTUHAN NG ASF

Published

on

Piggery
larawan mula sa https://i.ytimg.com/

Nag-aalok ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ng financial at technical assistance para sa mga nag-aalaga ng baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Pahayag ng BPI, bahagi umano ng kanilang Sustainable Development Finance (SDF) program ang pagbibigay ng mga financial products at technical assistance para sa mga hog raisers sa Pilipinas, lalo na ang may mga mamalalaking babuyan.  Layon ng nasabing programa na matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy na mapabuti ang kanilang biosecurity protocols upang maiwasan at makontrol ang ASF at iba pang mga sakit.

Ang ASF ay isang sakit na tumatama sa mga baboy na nagreresulta sa pagkamatay ng mga ito.  Sa kasalukuyan ay mahigit 500,000 nang baboy ang namatay at kailangang patayin sa Pilipinas. Ayon sa mga eksperto, maaaring umabot  pa sa 750,000 na mga baboy ang maaapektuhan kung hindi mapipigilan ang pagkalat nito sa buong bansa.

Nagbabala pa ang General Manager ng Pig Improvement Company (PIC) Philippines na si Vino Borromeo na makapagdudulot ito ng kakulangan sa supply ng baboy at sa pagtaas ng presyo ng karne nito.

Dagdag pa ni Borromeo, mananatili sa bansa ang virus na nagdudulot ng ASF hangga’t hanggang sa dumarating ang bakuna laban dito.  Aabutin umano ng higit sa sampung taon bago mangyari ito.

Kaya naman, kailangan ng mga hog-raisers ng pondo at kagamitan para maagang madiskubre at makontrol ang pagkalat ng nasabing sakit.

Sa kasalukuyan ay limitado umano ang mga natatanggap na ayuda ng mga nag-aalaga ng baboy.  Sa mga lugar na naapektuhan ng ASF, nakatatanggap lamang sila ng indemnity fund na Php 5,000 sa bawat baboy na kanilang isusuko sa Department of Agriculture para sa culling na siyang paraan para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Nakikita ng BPI ang kahalagahan ng pag-lalaan ng pondo ng mga piggery para sa akmang biosecurity.

“We’re all hoping that we can put more controls through the combined efforts of different agencies and members of the industry who can help find the solution,” ani Jun Ruba, ang Head of Agribusiness ng BPI.

Dagdag pa ng pinuno ng BPI SDF na si Jo Ann Eala, kung nais ng mga susunod na pig farmers na patuloy na kumikita ang kanilang mga babuyan, kailangan nila ng mas holistiko na paraan ng pag-aalaga ng baboy.  Kaakibat niyan ang  mga modernong technolohiya at paraan sa pag-aalaga ng baboy.  Kailangang din ng masusing pag-aaral at pagdidisenyo ng mga risk management systems sa kanilang business model.

Maaari umanong matulungan ng BPI SDF ang mga nag-aalaga ng baboy na mag-set up ng mga nabanggit na inobasyon

“Among the innovations implemented by the more resilient and successful farms are the tunnel-ventilated housing facilities as well as a biogas system. These innovations, which BPI SDF can help pig farmers set up, make pig farms not only more efficient and profitable, but also less prone to animal health risks and more resilient in extreme weather conditions,” diin ni Eala.

Continue Reading