Business
Bukas Marso 29, muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo na aabot sa higit P8.00 kada litro
Nakikitang muling tataas ng humigit-kumulang P8.00 ang diesel at kerosene kada litro ngayong linggo.
Simula bukas, Marso 29, 2022, tataas ang presyo ng diesel ng P8.00 hanggang P8.15 kada litro, habang ang kerosene naman ay maaaring tumaas ng P8.05 hanggang P8.15 kada litro, ayon sa estimate ng mga industry players.
Samantala, ang gasolina ang may pinakamababang pagtaas ngayong linggo na nasa P3.00 hanggang P3.15 kada litro.
Ito ang ika-12 na tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na labing-tatlong linggo.
Nagkaroon ng “massive spike” sa presyo ng global gas dahil sa nangyayaring conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ngayong 2022, isang beses pa lamang nakakita ang Pilipinas ng rollback na ipinatupad noong nakaraang linggo.
Kamakailan, namahagi ang gobyerno ng mga fuel subsidies sa mga pampublikong drivers, na isa sa mga pinaka-naapektuhan ng pag-taas ng presyo ng petrolyo.
Ngunit, sinasabi ng mga transport at consumer groups na ito’y “band-aid solution” lamang sa kanilang problema, dagdag nila na kailangang suspendihin ng gobyerno ang excise tax.
Subalit, ito’y tinanggihan ng mga government financial at economic managers sapagkat, sinabi nila na maaaring magdulot ito ng “losses” sa ekonomiya ng bansa.
(ABS-CBN News)