Connect with us

Business

COCA-COLA PHILIPPINES, PAL, ILALATAG SA DOLE ANG PLANO PARA SA MGA EMPLEYADO  

Published

on

PAL Coca Cola

Makikipagpulong ang Coca-Cola Beverages Philippines at Philippine Airlines (PAL) sa Department of Labor and Employment sa darating na linggo upang pag-usapan kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang mga empleyado ngayong hindi pa rin natatapos ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III,  hiwalay niyang pupulungin ang mga kinatawan ng dalawang kumpanya.

“Palagay ko, magkakaroon po ng retrenchment, that’s the reason why they asked for a meeting,” ani Bello.

Pinabulaanan naman ng Coca Cola ang haka-hakang magtatanggal sila ng mga tauhan.  Ayon kay to Jorenz Tañada, Director for Corporate and Regulatory Affairs ng Coca-Cola Beverages Philippines Inc., meron lamang umano silang voluntary retirement program para sa mga empleyado na pasok sa mga kwalipikasyon.

“By way of clarification lang po, wala po tayong retrenchment na magaganap sa Coca-Cola Beverages po,” ani Tañada.

“We’re actually doing well sa negosyo natin…As far as retrenchment, as I said, we’re thankful to our friends, particularly in DOLE, for all the help they’ve extended, especially throughout the pandemic na hindi natin kinailangan magbawas ng tao,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ni Tañada na ang voluntary retirement program ng kanilang kumpanya ay maaaring i-avail ang sinuman sa nmahigit 10,000 empleyado nila na nais na maglaan ng mas maraming panahon para sa kanilang pamilya.

“Mayroon talaga kaming retirement packages in every office. Ngayon, nag-take kami ng survey, at may mga may gustong mag-avail,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Tañada na walang naka-schedule na meeting ang kanyang departamento sa DOLE.

Nang kunin naman ang komento ng PAL tungkol sa naging pahayag ni Bello, sinabi ng  tagapagsalita ng PAL na si Cielo Villalun na ang kanilang kumpanya ay maglalabas ng isang statement sa tamang panahon.

Nauna nang sinabi ng airline noong Oktubre na na may tsansang mag-retrench sila ng 35 porsyento ng kanilang mga empleyado dahil sa pagbulusok ng bilang ng mga pasahero dulot ng pandemya.

“We really have to consider naman talaga na medyo alangin na ang operation nila,” saad ni Bello.

Sinabi pa ni Bello na ang Coca-Cola ay mag-aalok ng separation pay na isa’t kalahating buwang sweldo sa bawat taon ng serbisyo.

Binaggit din ni Bello na ang ahensya ay may mga employment program na may 1,040 job opening samantalang ang Civil Service Commission ay may 200,000 na job opening.

Continue Reading