Connect with us

Business

COVID-19; Booking sa mga hotel, apektado na rin

Published

on

Sonshine Radio Jose Clemente III / Image from the web

Umaaray na rin ang private sector sa bansa dahil sa epekto ng Corona Virus Disease (COVID-19).

Sa pagdinig ng House Committees on Tourism at Economic Affairs, sinabi ni Tourism Congress President Jose Clemente III na marami na ang nagkansela ng kanilang hotel bookings sa iba’t ibang tourism destination sa Pilipinas.

Pinakamatinding naapektuhan aniya ay ang Boracay, na mayroong 40 hanggang 60 percent hotel booking cancellations.

Pumapangalawa rito ang Bohol, na isa sa mga lugar na binisita ng ikalawang confirmed case ng COVID-19 sa bansa, na mayroong 40 hanggang 50 percent na kanselasyon sa mga hotel accommodations.

Dagdag pa ni Clemente, ang mga hotels naman sa Cebu ay lugi na ng P100-million, bunsod naman ng travel ban sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan.

Sa kanyang ring pagtataya, aabot sa 5.7 milyong manggagawa sa tourism industry ang maapektuhan ng krisis na ito.

Tiniyak naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gagawing hakbang ng ahensya upang maibsan ang epekto ng COVID-19 sa turismo.

Katunayan, handa aniyang sumama ang Pangulo sa paglilibot sa buong bansa para i-promote ang iba’t ibang tourist destinations sa Pilipinas at palakasin ang local tourism.

Source: radyopilipinas