Connect with us

Business

Del Monte, pinagmulta ng PSE

Published

on

Pinagmulta ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang Del Monte Pacific Ltd.

Ito’y matapos maantala ang disclosure ng kompanya tungkol sa cash dividend.

Ang cash dividend ay ang bahagi ng kita ng kompanya na pinapamahagi nito sa mga shareholder at ang deklarasyon nito ay nakakaengganyo sa ibang investors na bumili ng stock.

“…please be informed that the Exchange has imposed on the listed company below the corresponding sanctions for failure to comply with the requirements under the Disclosure rules,” sabi ng PSE.

Ang deklarasyon ng cash dividend, pag nahuli, ay may kaakibat na multa na P50,000 kada araw na may dagdag pa na P1,000 kada araw hanggang sa maayos ang paglabag.

Aakyat sa P75,000 ang multa sa pag-ulit ng paglabag na ito na may P1,000 kada araw pa rin.

Sa pangatlong paglabag, isususpinde na ang trading ng stock ng kompanya, at sa pang-apat, tatanggalin na ito sa PSE.

Itinimbre ng Del Monte ang cash dividend declaration nito na US$0.33125 para sa Series A-1 preference share at US$0.325 para sa Series A-2 preference noong September 10, 2019 pero September 6, 2019 pa ito inaprubhan ng board ng Del Monte.

Article: ABANTE

Continue Reading