Connect with us

Business

DTI maglalabas ng desisyon kung itataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo

Published

on

DTI basic necessities and prime commodities

Dedisisyonan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng mga manufacturer na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

“Two to three weeks under study and consultation with stakeholders,” sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez sa mga reporters sa isang Viber message kahapon, bilang tugon sa tanong kung kailan ilalabas ng DTI ang desisyon sa “price increase requests.”

Sa panayam ng dzBB radio, sinabi ni Lopez na nakatanggap ang DTI ng mga request para sa price adjustements ng 33 basic necessities and prime commodities (BNPC) sa gitna ng pag-taas ng presyo ng langis dahil sa nangyayaring conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kabilang sa mga produkto na ito ang, canned sardines, milk at canned meat.

“All these are being reviewed by the Consumer Protection Group,” aniya.

Dagdag ni Lopez na ang suggested retail prices (SRPs) ng mga BNPCs ay hindi maaaring ma-adjust kung walang approval ng DTI.

“We are not removing our SRP system as it serves as a guide for BNPCs,” sinabi ni Lopez.

Sa pag-aaral ng “requests for price adjustments of BNPCs,” tinitingnan ng DTI ang production costs at presyo ng mga raw materials.

Ayon kay Lopez, hindi nakikita ng DTI ang agarang pangangailangan na ayusin ang mga SRP dahil mayroon pa ring imbentaryo ng mga raw materials at finished products ang mga manufacturer ng mga pangunahing bilihin.

Ang latest SRP list ng DTI sa mga basic goods ay inilabas noong Enero, kung saan nakitang tumaas ang mga SRP ng 73 shelf keeping units dahil sa pag-taas ng halaga ng raw materials at packaging sa buong mundo.

Kabilang sa mga basic goods na may SRP adjustments sa pinakabagong bulletin ay ang canned sardines, instant noodles, processed milk, bread, detergent soap, bottled water, processed canned meat at canned beef, toilet soap at baterya.

(PhilStar)