Business
‘Eats more fun’: Jollibee nakipagtulungan sa tourism campaign ng DOT
“Eats more fun in the Philippines!”
Ito ang pinakabagong national tourism campaign na inilunsad ng Department of Tourism (DOT) kasama ang pinakasikat na fast food chain na Jollibee sa bansa.
Layunin nito na anyayahan ang mga turista lalo na ang mga food lovers na bisitahin ang bansa upang ipatikim ang mga masasarap at kakaibang Filipino cuisine.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na kumpyansa siya na mas mapapalakas ng kampaya ang namumukong food tourism ng bansa.
“Filipinos, we like sweet spaghetti and fried chicken, but this campaign is not only promoting Jollibee products it’s also promoting Filipino cuisines — the adobo, lechon, and halo-halo,” ani Puyat.
Ang nasabing kampanya ay isang serye ng promosyon na nag-aanyaya sa mga turista na subukan ang mga pagkaing pinoy bukod sa pagbisita sa mga magaganda at sikat na baybayin ng Pilipinas.
“Whenever you travel, you travel really for food. It’s actually the biggest campaign of the DOT — Eats More Fun in the Philippines — because you’re not only promoting the sun and beach but also the cuisine,” wika ni Puyat.
Sinabi pa ni Puyat na simula palang ito ng kanilang tatlong taong kontrata na pinondohan ng Jollibee.
“This is the start and we’re now talking about the next steps on how to promote Filipino cuisine from Luzon, Visayas, and Mindanao. Jollibee funded everything,” saad ni Puyat.