Connect with us

Business

Entitled dapat sa minimum pay at benefits ang mga delivery riders -DOLE

Published

on

delivery riders

Para sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga delivery riders ay pwedeng konsiderang mga employees o “independent contractors” ng mga digital platform companies at entitles dapat sila sa minimum pay at benefits.

Sa advisory na inisyu nitong Martes, sabi ng DOLE na ang mga riders ng food delivery at courier services ay sakop ng Labor Code o contract o agreement sa isang digital platform company, depende sa existence ng employer-employee relationship.

Lumabas ang advisory matapos mag-protesta ang daan-daang Foodpanda riders sa Davao City kamakailan lamang patungkol sa low delivery fees at unfair working conditions.

Sinuspende ng kumpanya ang ilang mga riders na nanguna sa protesta.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga delivery riders na kinikonsiderang employees ng digital platform company ay entiled sa minimum benefits batay sa Labor Code.

Samantala ang mga riders naman na itinuturing independent contractors ay governed ng kani-kanilang respective na kontrata o agreements sa kumpanya.

Hindi dumating at nagpakita ang Foodpanda sa isang scheduled dialogue sa kanilang mga suspended riders sa Davao City nitong Lunes.

Maraming mga lawmakers ang nais magkaroon ng congressional inquiry patungkol sa working conditions ng mga delivery riders ng Grab, Foodpanda, Lalamove at iba pang kumpanya dahil sa nangyaring suspension ng mga Foodpanda riders.

Nag-file ng House Resolution No. 1974 si Trade Union Congress Party Rep. Raymond Mendoza, para magkaroon ng inquiry sa mga working conditions ng delivery riders ng Grab, Foodpanda, Lalamove, at iba pang similar na kumpanya.

Source: Inquirer.Net

Continue Reading