Business
ENVIRONMENT GROUPS, SUPORTADO ANG ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL
Suportado ng Green Thumb Coalition (GTC) ang issue ng renewal of franchise ng ABS-CBN.
Sinabi ng grupo na binubuo ng mahigit 40 organisasyong nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan. Suportado nila ang nasabing franchise renewal dahil malaki umano ang naitutulong ng network sa paghahatid ng mga importanteng balita tungkol sa kalikasan at dahilan ng pagkasira nito.
Pinuri rin ng GTC ang pagpapakilala ng network sa mayamang biodiversity ng bansa, gayundin ang pagbibigay-pansin nito sa mga masasamang epekto ng large-scale mining, pagdami ng mga coal plant, land conversion, at deforestation.
Nauna nang naghain ang Makabayan bloc ng bill para sa franchise renewal ng ABS-CBN nitong Lunes.
Pinangunahan nina Rep. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ng Bayan Muna, France Castro ng ACT Teachers, Arlene Brosas ng Gabriela, at Sarah Elago ng Kabataan ang House Bill 6052, ang ikasiyam na bill na naglalayong mabigyan muli ng 25-taon prangkisa ang kompanya.
Sa March 20, 2020 naka-schedule ma-expire ang franchise ng Kapamilya Network.
Source: philstar.com