Business
Facebook, mamimigay ng tig-$1,000 bonus sa mga empleyado nito
Mamimigay ang Facebook sa mga empleyado nito nga tig-$1,000 bonus bilang suporta sa kasagsagan ng coronavirus outbreak.
Layon nito na matulungan ang mga empleyado na magtatrabaho sa bahay o sa labas ng kumpanya na kailangang mag-set up ng home office.
Ang Facebook ay may 45,000 na empleyado sa buong mundo.
Pero malinaw na nakalagay sa memo ni Facebook CEO Mark Zuckerberg, na tanging ang mga full time employees lamang ang tatanggap ng bonus at hindi kasama ang mga contractors.
Unang inanunsyo ng Facebook na patuloy na makakatanggap ng kumpletong sahod ang mga empleyado tulad ng janitors at cafeteria workers kahit pa binawasan ang oras ng kanilang trabaho.
Maliban sa bonus ng mga empleyado, sinabi ni Facebook COO Sheryl Sandberg na gagastos ang kompanya ng karagdagang $100 million para suportahan ang maliliit na negosyo sa 30 bansa na apektado ng coronavirus.