Connect with us

Business

FB Live selling sa Pinas, tuloy pa rin – Meta

Published

on

Larawan mula sa Ninja Van Blog

Nilinaw ng Meta, ang parent company ng Facebook, na patuloy pa ring makakapag-live selling sa Facebook Live ang mga Pilipino.

Inanunsyo ng Meta na hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansa kung saan ititigil ang Live Shopping feature sa Oktubre 1.

Magagamit pa rin umano ng mga FB users ang Facebook Live para makapag-broadcast ng live events basta nakatira sila sa mga lugar kung saan enabled ang naturang feature.

Yun nga lang, hindi na sila makakagawa ng mga product playlists o makakapag-tag ng kanilang paninda sa Facebook Live video ang mga live sellers.

Maaari naman umanong manood ng mga live selling sessions ang mga netizens at kung may nagustuhan silang produkto ay maaari silang mag-comment ng “mine, steal, or grab” sa mga items na gustong bilhin.

Naglabas kamakailan ng datos ang AI solutions firm na iKala kung saan makikita na tumaas ng 95% ang bilang ng mga nagla-live selling sa Pilipinas noong taong 2020 at kumita ng libu-libong piso ang mga live streamers sa buong bansa

Continue Reading