Business
FOREVER 21 NAG FILE NG BANKRUPTCY
Kasunod ng Topshop US at Barneys New York, ang pinakabagong store na nag file ng bankruptcy ay ang teenage clothing emporium na Forever 21.
Batay sa ulat, sinabi ng kompanya na maghahain umano sila ng isang mosyon para isara ang 178 sa mahigit na 800 stores.
Magsasara ang naturang firm sa international locations gaya ng Asya at Europa gayunman mananatili naman ang operasyon sa Mexico at Latin America.
Bagaman ayon sa kanilang sulat para sa kanilang consumers, ang pagpapasya para sa mga domestics stores ay kasalukuyang hinihintay pa. “The decisions as to which domestic stores will be closing are ongoing, pending the outcome of continued conversations with landlords, we do however expect a significant number of these stores will remain open and operate as usual, and we do not expect to exit any major markets in the U.S.,” saad sa sulat.
Paliwanag naman ng executive vice president na si Linda Chang, ang pag-file umano ng Chapter 11 ay sadyang napakahalagang hakbang para sa seguridad ng kanilang kompanya. “An important and necessary step to secure the future of our Company, which will enable us to reorganize our business and reposition Forever 21,” ani ng vice president.
Ang Forever 21 ay isa sa mga retailer na may kinakaharap na problema sa gitna ng pagtaas sa kumpetisyon mula sa mga online shopping.
Base sa ulat, naging mahirap umano ang mga nagdaang taon sa fashion retailer dahil naglilipatan na ang mga buyer sa online stores.
Magugunitang kamakailan lamang ang ilang big retailers at designer brands ay nag-file din ng bankruptcy, katulad ng Payless Shoe Store, Roberto Cavalli, Topshop US, Barneys New York, Nasty Gal, Nine West, Sonia Rykiel, at iba pa.
Read more: https://edition.cnn.com/2019/09/29/business/forever-21-bankruptcy/index.html